Sistema ng Aksesibleng Vote-by-Mail para sa Hindi Mamamayan

MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA HINDI MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS

Posibleng makuha ng Immigration and Customs Enforcement (Tagapagpatupad ng Batas ukol sa Imigrasyon at Adwana, ICE) at iba pang ahensiya, organisasyon, at indibidwal ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) kasama na ang inyong pangalan at address. Bukod rito, kapag nag-aplay kayo para sa naturalisasyon o pagka-mamamayan, tatanungin kayo kung nakapagrehistro o nakaboto na kayo sa pederal, pang-estado o lokal na eleksyon sa Estados Unidos. Baka gusto ninyong kumonsulta sa abugado sa imigrasyon, organisasyong nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng migrante, o iba pang mapagkukunan ng kaalaman bago kayo magbigay ng anumang personal na impormasyon sa Department of Elections at bago kayo magparehistro para bumoto sa Eleksyon ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon) ng San Francisco. Makikita rin ninyo ang listahan ng mga organisasyong nonprofit na may espesyalisasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng migrante sa sfelections.org.

Upang makuha ang inyong Vote-by-Mail na Balota ng San Francisco at mga instruksiyon, ilagay ang numero ng inyong tirahan, ZIP code ng address sa San Francisco kung saan kayo rehistradong makaboto, at ang petsa ng inyong kapanganakan. Pindutin ang Isumite.

Huwag ilagay ang pangalan ng kalye. Ilagay ang 0 kung nakarehistro sa cross streets (interseksiyon ng mga kalsada).
/ /

Ang impormasyon tungkol sa botante ay ginagamit lamang para sa mga opisyal na layunin.

Kung mayroon kayong mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310 o mag-email sa amin.