Ilalathala ang mga ulat sa opisyal na resulta ng lokal na eleksyon sa sfelections.org/results, at mayroon ring nakaimprentang kopyang makukuha sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa Room 48, City Hall. Sfelections.org/results
Sa Gabi ng Eleksyon, makukuha rin ang mga resulta sa North Light Court ng City Hall at mapapanood sa pamamagitan ng ticker sa SFGTV (Channel 26).
Ang mga opisyal na resulta ng eleksyon sa buong estado ay makikita sa sos.ca.gov/elections.
Pag-Uulat sa Gabi ng Eleksyon (Pauna)
Pagkatapos magsara ng botohan, ang Departamento ay maglalabas ng apat na ulat ng mga paunang resulta:
Lahat ng mga resulta ng eleksyon na ilalabas sa Gabi ng Eleksyon ay pauna lamang at magbabago sa mga susunod na araw habang binibilang pa ng Departamento ang libu-libong mga balota. Kabilang sa mga ito ang lahat ng mga balidong probisyonal at vote-by-mail na balotang natanggap sa Araw ng Eleksyon, pati na rin ang lahat ng balidong vote-by-mail na balotang natanggap sa loob ng isang linggo matapos ang Araw ng Eleksyon at may postmark ng hanggang sa Araw ng Eleksyon.
Araw-araw na Pag-Uulat sa Panahon ng Bilangan ng Boto (Pauna)
Sa mga araw na hindi nagbibilang ang Departamento ng mga balota at wala pang mas napapanahong mga ulat ng paunang mga resulta ng eleksyon, ang Departamento ay magpo-post ng abiso patungkol dito.
Pag-Uulat sa mga Pinal na Resulta
Maglalabas ang Departamento ng mga Eleksyon ng pinal na mga resulta ng eleksyon nang hindi lalampas sa Disyembre 5, 2024.
Ang mga una at huling ulat sa Gabi ng Eleksyon, pati na rin ang lahat ng mga araw-araw na ulat sa panahon ng bilangan ng boto, ay maglalaman ng parehong a) Pahayag ng Boto, na may datos na nakaayos ayon sa lugar ng botohan, distrito, at komunidad (PDF at Excel), at b) Record ng Boto, na nagpapakita ng raw data ng boto (JSON).
Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring mag-obserba sa pagpo-proseso ng mga balota nang personal o sa pamamagitan ng live stream na nakapost sa pahinang Obserbahan ang Proseso ng Eleksyon.