Setyembre 16, 2025, Espesyal na Recall Election

Ilalathala ang opisyal na mga resulta sa sfelections.org/results, at mayroon ring nakalimbag na mga kopyang makukuha sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa Room 48, City Hall.
Sa Gabi ng Eleksyon, makukuha rin ang mga resulta sa North Light Court ng City Hall at mapapanood sa pamamagitan ng ticker sa SFGTV (Channel 26).

Iuulat ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga resulta ng eleksyon ayon sa mga sumusunod:

Pag-uulat sa Gabi ng Eleksyon (Pauna)

Pagkatapos magsara ng botohan, maglalabas ang Departamento ng dalawang ulat ng paunang mga resulta:

  1. Bandang 8:45 p.m., isang ulat na naglalaman ng mga resulta mula sa mga vote-by-mail na balotang natanggap bago ang Araw ng Eleksyon.
  2. Sa sandaling nakapag-ulat na ang lahat ng mga lugar ng botohan, isang ulat na kasama ang mga resulta mula sa personal na pagboto sa 20 mga lugar ng botohan sa Superbisoryal na Distrito 4.

Ang lahat ng mga resultang iuulat sa Gabi ng Eleksyon ay pauna lamang at maaaring magbago habang nagbibilang pa ang Departamento ng karagdagang mga balota. Kabilang sa mga ito ang mga balidong vote-by-mail at probisyonal na mga balotang natanggap sa Araw ng Eleksyon at balidong vote-by-mail na mga balotang may postmark nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon at natanggap sa loob ng isang linggo.

Araw-Araw na Pag-uulat sa Panahon ng Bilangan (Pauna)

  1. Sa Miyerkules, Setyembre 17, maglalathala ang Departamento ng ulat sa tinatayang bilang ng mga balotang hindi pa nabibilang.
  2. Sa Huwebes, Setyembre 18 at Huwebes, Setyembre 25, maglalabas ang Departamento ng mga ulat ng na-update na mga resulta ng eleksyon bandang 4 p.m.

Sa mga araw na hindi nagbibilang ng mga balota ang Departamento at wala pang mas napapanahong mga ulat ng mga resulta, magpo-post ang Departamento ng abiso patungkol dito.

Pag-uulat sa Pinal na mga Resulta

Maglalabas ang Departamento ng pinal na mga resulta ng eleksyon nang hindi lalampas sa Oktubre 16, 2025.

Mga Format ng Ulat

Ang mga ulat sa Gabi ng Eleksyon at sa panahon ng bilangan, ay maglalaman ng parehong a) Pahayag ng Boto, na may datos na nakaayos ayon sa lugar ng botohan, distrito, at komunidad (PDF at Excel), at b) Record ng Boto, na nagpapakita ng raw data ng boto (JSON).

Pag-Obserba ng Publiko

Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring mag-obserba sa pagpo-proseso ng mga balota nang personal o sa pamamagitan ng livestream na naka-post sa pahinang Pag-obserba sa Proseso ng Eleksyon page.