Nahatulan ba kayo bilang kriminal? Maaaring elihible pa rin kayong bumoto!
Mangyaring sagutin ang mga katanungan sa ibaba para matukoy kung elihible kayong bumoto.
Sa kasamaang-palad, hindi kayo elihible na magparehistro at bumoto sa mga eleksyong pampederal at pang-estado. Maaaring maging elihible na magparehistro at bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco ang mga hindi-mamamayan kung sila ay magulang, legal na tagapatnubay, o kinikilalang legal na tagapangalaga ng batang mas mababa sa 19 na taong gulang ang edad na nakatira sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahina tungkol sa Rehistrasyon at Pagboto ng mga Hindi Mamamayan.
Magsimulang Muli!Sa kasamaang-palad, hindi pa kayo elihibleng bumoto sa ngayon. Para magparehistro upang makaboto sa San Francisco, kailangang kayo ay:
*Kung residente kayo ng San Francisco na nasa edad 16 o 17 taong gulang, maaari na kayong magparehistro para makaboto. Magiging aktibo ang inyong rehistrasyon sa inyong ika-18 kaarawan hangga’t natutugunan ninyo ang lahat ng iba pang mga kuwalipikasyon para sa rehistrasyon. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahina tungkol sa aming Mga Programa para sa High School.
Magsimulang Muli!Puwede kayong bumoto! Sa California, tanging ang mga hatol na felony ang nakaaapekto sa inyong karapatang bumoto. Kung nakakulong kayo ngunit hindi pa nahatulan ng felony, elihible pa rin kayong bumoto. Elihible pa rin kayo kung pinaratangan kayo ng felony, ngunit hindi pa nahahatulan. Kung elihible kayo, magparehistro dito!
Magsimulang Muli!Puwede kayong bumoto! Sa California, puwede kayong bumoto kahit kayo ay nasa ilalim ng parole, probasyon, sapilitang pangangasiwa, pangangasiwa ng komunidad pagkatapos palayain, o paglayang nasa pederal na pangangasiwa. Nawawala lamang ang inyong karapatang bumoto habang kayo ay nakabilanggo at awtomatikong bumabalik pagkalaya! Kung elihible kayo, magparehistro dito!
Magsimulang Muli!Sa kasamaang-palad, hindi kayo elihibleng bumoto sa ngayon. Sa California, nawawala lamang ang inyong karapatang bumoto habang kayo ay nakakulong at awtomatikong bumabalik pagkatapos ninyong lumaya. Maaari kayong magparehistro para bumoto pagkatapos makumpleto ang inyong sentensiya.
Magsimulang Muli!Sa kasamaang-palad, hindi kayo elihibleng bumoto sa ngayon.
Sa California, bumabalik ang inyong karapatang bumoto pagkatapos ng inyong paglaya mula sa bilangguan. Maaari kayong magparehistro para bumoto pagkatapos makumpleto ang inyong sentensiya.
Magsimulang Muli!Puwede kayong bumoto kahit na habang nasa kulungan ng county!
Mangyaring makipag-ugnay sa Prisoner Legal Services para alamin ang higit pa tungkol sa pagpaparehistro bilang botante at mga opsiyon sa pagboto.
Magsimulang Muli!Kung hindi kayo nakatitiyak kung anong uri ng sentensiya ang ibinubuno ninyo habang nasa kulungan ng county, magtanong sa inyong probation officer, parole officer, o tauhan sa inyong pasilidad ng pagwawasto. Kung kayo ay nasa kustodiya ng kulungan ng county ng San Francisco at may mga katanungan tungkol sa inyong mga karapatan sa pagboto, makipag-ugnay sa Prisoner Legal Services sa (415) 558-2472.
Magsimulang Muli!