Online na Aplikasyon para sa Vote-by-Mail (Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo)

Nobyembre 5, 2019 Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon (o Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan)

Alinsunod sa batas ng estado, lumipas na ang deadline para mag-apply ng vote-by-mail na balota para sa Nobyembre 5, 2019, Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan. Ang deadline ay Oktubre 29.

Kung kayo ay rehistradong botante sa Eleksyon para sa Lupon ng mga sa Nobyembre 5 Paaralan, at hindi umabot sa deadline na Oktubre 29 upang humiling ng vote-by-mail na balota, mayroon kayong mga sumusunod na opsiyon:

  • Bumoto sa itinalagang lugar ng botohan para sa inyo sa Araw ng Eleksyon. Bukas ang mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. Gamitin ang Paraan sa Pagtiyak ng Lugar ng Botohan at Halimbawang Balota para mahanap ang itinalagang lugar ng botohan para sa inyo.
  • Bumoto sa Sentro ng Botohan sa City sa mga regular na oras ng pagboto. Ang mga oras at lokasyon ay nasa ibaba.
  • I-awtorisa ang sinuman para kunin ang balota para sa inyo sa Sentro ng Botohan sa City Hall sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Awtorisasyon para Kunin ang Balota para sa Eleksyon sa Nobyembre 5 para sa Lupon ng Edukasyon (darating sa Setyembre).

Mga Oras at Lokasyon ng Sentro ng Botohan sa City Hall

Magbubukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon at matatagpuan sa pinakamababang palapag ng San Francisco City Hall, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, Room 48. Ang mga oras ay ang mga sumusunod:

Lunes – Biyernes: Oktubre 7 – Nobyembre 5, 8 a.m. – 5 p.m.
Sabado at Linggo: Oktubre 26 – 27 and Nobyembre 2 – 3, 10 a.m. – 4 p.m.
Araw ng Eleksyon: Martes, Nobyembre 5, 7 a.m. – 8 p.m.

Kung mayroon kayong mga katanungan, tumawag sa Departamneto ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310 o mag-e-mail sa amin.