Para makakuha ng balota sa nalalapit na eleksyon, maaari kayong magparehistro para bumoto sa isa sa apat na mga paraan:
- Hanggang Pebrero 20, 2024, maaari kayong magparehistro online sa registertovote.ca.gov.
- Hanggang Pebrero 20, 2024, maaari kayong magparehistro sa pamamagitan ng koreo (makipag-ugnayan sa amin para sa isang form sa papel).
- Hanggang sa Araw ng Eleksyon, Marso 5, 2024, maaari kayong magparehistro nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall.
- Sa Araw ng Eleksyon, Marso 5, 2024, maaari kayong magparehistro nang personal sa lugar ng botohan sa inyong komunidad.
Kapag nagparehistro kayo na bumoto na may pagkatig para sa isang politikal na partido, padadalhan namin kayo sa koreo ng balota na may mga kandidato para sa pagkapangulo at mga miyembro para sa Sentral na Komite ng County ng partidong iyon, kung mayroon man, sa Pebrero.
Kapag nagparehistro kayo na walang kinakatigang partido, ang default ninyong balota ay hindi maglalaman ng mga labanan ng partido. Gayunpaman, maaari kayong humiling ng balota na may mga kandidato para sa pagkapangulo ng mga partidong Amerikanong Independiyente, Demokratiko, o Libertaryan.
Para malaman kung nakarehistro kayong bumoto sa San Francisco, gamitin ang Portal para sa Botante o makipag-ugnayan sa amin.
Para malaman kung nakarehistro kayo na may kinakatigang partido, gamitin ang Portal para sa Botante o makipag-ugnayan sa amin.