Local Measure A - Bono para sa Abot-Kayang Pabahay
► Higit paMGA BONO PARA SA ABOT-KAYANG PABAHAY SA SAN FRANCISCO. Para matustusan ang pagpapatayo, pagbabago, pagdaragdag, at preserbasyon ng pabahay na abot-kaya para sa mga sambahayang mababa at nasa kalagitnaan ang kita sa pamamagitan ng mga programang magbibigay ng priyoridad sa mga populasyon ng San Francisco na madaling mapagsamantalahan tulad ng mga pamilyang nagtatrabaho, mga beterano, mga nakatatanda, mga taong may kapansanan; para tumulong sa pagdaragdag, rehabilitasyon, at pangangalaga ng mga gusali ng mga apartment na may abot-kayang paupa para maiwasan ang ebiksiyon ng matagal nang mga residente; para kumpunihin at muling itayo ang sira-sirang pampublikong pabahay; para pondohan ang programa ng pagpapaupa sa mga nasa kalagitnaan ang kita; at para magbigay ng oportunidad sa mga guro at sa mga sambahayang nasa kalagitnaan ang kita ng tulong sa paunang bayad para sa pagmamay-ari ng bahay; dapat bang maglabas ang Lungsod at County ng San Francisco ng $310 milyon na mga bono para sa pangkalahatang obligasyon, na sasailalim sa malayang pangangasiwa ng mamamayan at sa regular na pagsusuri?
Local Measure B - Paid Parental Leave (Bayad na Pahintulot ng Pagliban para sa mga Magulang) para sa mga Empleado ng Lungsod
► Higit paDapat bang susugan ng Lungsod ang Karta na pahintulutan ang mga magulang na parehong empleado ng Lungsod na magamit ng bawat isa ang pinakamaraming bilang ng bayad na mga araw ng kanilang Parental Leave na nararapat nilang matanggap para sa pagsilang, pag-ampon o pagiging foster parent ng pareho ring bata, kung empleado ng Lungsod ang parehong magulang; at bigyan ang bawat magulang ng pagkakataong mapanatili ang hanggang 40 oras ng sick leave (pahintulot ng pagliban kung may sakit) sa katapusan ng bayad na mga araw ng parental leave?
Local Measure C - Expenditure Lobbyists (Hindi Tuwiran na mga Lobbyist)
► Higit paDapat bang pangasiwaan ng Lungsod ang mga expenditure lobbyist sa pamamagitan ng pag-obliga sa kanila na magparehistro sa Ethics Commission (Komisyon ng Etika), na magbayad ng $500 na singil para sa rehistrasyon, at magsumite ng buwanang pahayag tungkol sa kanilang mga gawain sa paglo-lobby?
► Higit paDapat bang dagdagan ng Lungsod ang takdang taas ng 10 sa 28 acre na kinatatayuan ng Mission Rock mula sa isang palapag hanggang sa takdang taas na umaabot mula 40 hanggang 240 piye at gawing patakaran ng Lungsod na hikayatin ang pagpapaunlad ng kinatatayuan ng Mission Rock sa kondisyon na kasama ang walong acre ng mga parke at open space at pabahay na kung saan hindi bababa sa 33% ang abot-kaya para sa mga sambahayang mababa at nasa kalagitnaan ang kita?
Local Measure E - Mga Kinakailangan para sa Mga Pagpupulong na Bukas sa Publiko
► Higit paDapat bang i-broadcast ng Lungsod ang lahat ng pagpupulong ng Lungsod nang live sa internet; pahintulutan ang mga miyembro ng publiko na magsumite sa pamamagitan ng elektronika, habang nagpupulong, ng mga komentaryong live, nakasulat, video o audio mula sa saanmang lokasyon at iutos na ipalabas ang mga komentaryong iyon; iutos na ang video ng mga testimonya na nauna nang nirekord ay ipalabas habang nagpupulong; at pahintulutan ang publiko o ang lupon, komisyon, o mga miyembro ng komite na humiling na ang pagtatalakay sa isang partikular na item sa talaan ng mga tatalakayin ay magsimula sa tiyak na oras?
Local Measure F - Residensiyal na Pagpapaupa sa Pangmaikliang-panahon
► Higit paDapat bang limitahan ng Lungsod ang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng tirahan hanggang 75 araw sa bawat taon nang walang pagpapahalaga sa kung ang pinauupahan ay hosted (nakatira ang residente sa unit sa takdang panahon na pinauupahan) o unhosted (hindi nakatira ang residente sa unit sa takdang panahon na pinauupahan); atasan ang mga may-ari na magbigay ng katibayan na pinahihintulutan nilang maging pangmaikliang-panahon na paupahan ang unit; atasan ang mga residenteng nagpapaupa nang pangmaikliang-panahon na magsumite ng mga report tuwing ikatlong buwan na nagsasaad ng bilang ng mga araw na tumira sila sa unit at ang bilang ng mga araw na pinaupahan ang unit; ipagbawal ang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng mga in-law unit; pahintulutan ang interesadong mga partido na ihabla ang mga hosting platform (kompanya kung saan nag-aanunsiyo na pinauupahan nang pangmaikliang-panahon ang unit); at isabatas na gawin itong isang maliit na krimen para sa hosting platform na labag sa batas na ilista ang isang unit bilang pangmaikliang-panahon na paupahan?
Local Measure G - Mga Pahayag Tungkol sa Renewable Energy (Enerhiya mula sa pinanggagalingan na likas na napapalitan)
► Higit paDapat bang bigyang-kahulugan ng Lungsod ang “renewable, greenhouse-gas free electricity (kuryenteng likas na napapalitan at walang greenhouse gas)” na kuryente na eksklusibong nagmumula sa ilan sa mga pinanggagalingan na likas na napapalitan na nasa loob o katabi ng hangganan ng California o kuryenteng galing sa Hetch Hetchy, maliban sa kuryente na galing sa ibang uri ng mapagkukunan tulad ng solar na nakapatong sa bubong at iba pang malalaking hydroelectric na mga pasilidad; iutos sa CleanPowerSF na ipaalam sa mga customer at sa mga maaaring maging customer ang binabalak na porsiyento ng “renewable, greenhouse-gas free electricity” na isu-supply; at pagbawalan ang CleanPowerSF sa marketing, sa pag-aanunsiyo o sa pagbibigay ng anumang pahayag sa publiko na “clean” o “green” ang kuryente nito maliban na lang kung ang kuryente ay “renewable, greenhouse gas-free electricity” tulad ng kahulugang ibinigay sa panukalang-batas na ito?
Local Measure H - Magbigay-kahulugan sa Clean, Green, at Renewable Energy
► Higit paDapat bang gamitin ng Lungsod ang kahulugan ng Estado sa “eligible renewable energy resources” kapag tinutukoy ang mga termino tulad ng “clean energy,” “green energy,” at “renewable Greenhouse Gas-free Energy”; at dapat bang himukin ang CleanPowerSF na ipaalam sa mga customer at sa mga maaaring maging customer ang binalak na porsiyento ng mga uri ng renewable energy na isu-supply sa bawat komunikasyon; at dapat bang maging patakaran ng Lungsod para sa CleanPowerSF na gamitin ang kuryenteng nilikha sa loob ng California at San Francisco kapag maaari?
Local Measure I - Pagsuspinde ng Market-Rate Development (Pagpapaayos o Pagpapatayo ng mga Gusali na Pauupahan sa Umiiral na Presyo) sa Mission District
► Higit paDapat bang isuspinde ng Lungsod ang pagbibigay ng mga permit sa ilang tiyak na uri ng mga proyekto ng pagpapatayo ng pabahay at negosyo sa Mission District nang hindi bababa sa18 buwan; at gumawa ng Neighborhood Stabilization Plan (Plano ng Pagpapatibay ng Kapitbahayan) para sa Mission District bago lumipas ang Enero 31, 2017?
Local Measure J - Legacy Business Historic Preservation Fund
► Higit paDapat bang magpasimula ang Lungsod ng Legacy Business Historic Preservation Fund (Pondo para sa Pagpapanatili ng mga Makasaysayang Legadong Negosyo), na magbibigay ng mga kaloob sa mga Legacy Business at sa mga may-ari ng mga gusali na nagpapa-upa ng espasyo sa ganitong mga negosyo na may takdang panahon na hindi bababa sa 10 taon; at palawakin ang kahulugan ng Legacy Business na isama iyong mga mahigit sa 20 taong nagnenegosyo sa San Francisco, na nasa panganib na mapaalis sa lugar at matugunan ang iba pang mga kinakailangan ng Registry?
Local Measure K - Surplus na mga Lupaing Pampubliko
► Higit paDapat bang palawakin ng Lungsod ang pinahihintulutang paggamit ng surplus na ari-arian para isama ang pagpapatayo ng abot-kayang pabahay para sa magkakaibang antas ng sambahayan mula sa mga walang tirahan o sa mga lubos na mababa ang kita hanggang sa mga may kitang umaabot sa 120% ng area median income (panggitnang halaga ng kita sa isang pook); at sa mga proyektong higit sa 200 na mga units, gawing abot-kaya ang ilan sa mga pabahay para sa mga sambahayang kumikita ng hanggang sa 150% o higit pa ng panggitnang halaga ng kita ng isang pook?