Mabuhay! Sagutan ang tatlong katanungan upang maayos ang inyong plano sa pagboto sa darating na Nobyembre 5 na eleksyon.
Mabuti naman! Ipadadala namin ang mga pakete sa mga rehistradong botante sa pamamagitan ng koreo sa maagang bahagi ng Oktubre.
Isang kilos na maaaring gawin ngayon upang masigurado na mapadala sa tamang oras ang inyong mga kagamitan sa eleksyon ay ang pagcheck kung tama ang inyong kasalukuyang address. Maaaring bisitahin ang voterstatus.sos.ca.gov o makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310 o sa sfvote@sfgov.org.
Para lumahok sa Nobyembre 5 na eleksyon, maaaring magparehistro para bumoto gamit ang isa sa apat na mga paraan:
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming Magparehistro para Bumoto na pahina.
Para i-check kung kayo ay rehistradong bumoto sa San Francisco, gamitin ang Portal ng Botante o makipag-ugnayan sa amin. (Pagkatapos, bumalik sa tool na ito.)
Mabuti naman! Salamat sa paggawa ng plano para bumoto.
Abangan ang inyong vote-by-mail na pakete ngayong Oktubre. Kasama ang inyong balota, magkakaroon ang inyong pakete ng mga instruksiyon, pambalik na sobre na bayad na ang selyo, at isang “Bumoto Ako” na sticker.
Maaaring ibalik ang inyong balota sa koreo o nang personal sa opisyal na kahon na hulugan ng balota, sa Sentro ng Botohan sa City Hall, o sa kahit anong lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Pakialala na pirmahan ang sobre ng inyong balota at ibalik ito kaagad-agad. Ang mga balota na ibabalik gamit ang koreo ay dapat mamarkahan ng Post Office nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 5. Dapat din maipadala ito nang hindi lalampas ng 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon kung ibabalik nang personal.
Maaaring mag-sign up para makatanggap ng awtomatikong notipikasyon tungkol sa inyong kalagayan o sa inyong balota sa pamamagitan ng email, text, o voice message sa wheresmyballot.sos.ca.gov.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Vote by Mail na pahina.
Mabuti naman! Salamat sa paggawa ng plano para bumoto.
Simula Oktubre 7, maaari kayong kumuha ng balota o bumoto nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall. Bukas ang Sentro ng Botohan sa anumang araw Lunes - Biyernes mula 8 a.m. – 5 p.m. (maliban sa Oktubre 14 na holiday), dalawang Sabado at Linggo bago ang Araw ng Eleksyon mula 10 a.m. – 4 p.m., at sa Araw ng Eleksyon mula 7 a.m. – 8 p.m.
Sa Araw ng Eleksyon, magbubukas ang 501 na mga lugar ng botohan mula 7 a.m. – 8 p.m. Hanapin ang inyong itinalagang lugar ng botohan at i-check ang mga oras ng paghihintay gamit ang aming Tool para Malaman ang Oras ng Paghihintay sa Lugar ng Botohan.
Bisitahin ang aming Pagboto nang Personal na pahina para sa karagdagang impormasyon.
Mabuti naman! Salamat sa paggawa ng plano para bumoto.
Simula Oktubre 7, kahit sinumang botante ay makakukuha ng balota gamit ang Accessible Vote-by-Mail (AVBM) System. Nagpapahintulot ang sistema ng AVBM sa mga botante na i-download at markahan ang kanilang screen-readable na balota. Maaaring gumamit ng screen-reader, head-pointer, sip and puff, o ng iba pang aparato para mamarkahan ang inyong balota.
Para sa mga panseguridad na dahilan, ang sistema para sa aksesibleng balota ay hindi nag-iimbak o nagpapadala ng mga boto sa internet. Kinakailangan na i-print at ibalik ang inyong balota sa pamamagitan ng paggamit ng opisyal na pambalik na sobre o gamit ang dalawang karaniwang sobre. Makikita ang mga instruksiyon kapag mag-log in kayo sa AVBM System.
Natutuwa kami na matulungan kayo sa paggawa ng inyong plano sa pagboto!
Mayroon kayong mga ilan na pagpipilian kung paano kayo boboto:
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Mga Paraan para Makaboto na pahina.
Mabuti naman! Sa eleksyon na ito, makagagamit ang mga botante ng ranked-choice na pagboto upang mapunan ang mga tanggapan ng Mayor, Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, Sheriff, at Tesorero. At isa pa, makagagamit ang mga botanteng nasa loob ng ika 1, 3, 5, 7, 9, at 11 na Superbisoryal na mga Distrito ng ranked-choice na pagboto sa pagpili ng kanilang mga superbisor.
Isa sa pinakamagandang paraan para masubukan ang inyong kaalaman tungkol sa RCV ay ang paggamit ng aming interaktibong Tool sa Pagsasanay sa RCV ng balota. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang pahina na Ranked-Choice na Pagboto.
Huwag kayo mag-alala, natutuwa kami na magbigay ng impormasyon at ng mga mapagkukunan ng kaalaman tungkol sa paraan ng pagboto na ito!
Pinahihintulutan ng ranked-choice na pagboto ang mga botante na magbigay ng ranggo sa mga kandidato ayon sa pagkasunud-sunod ng kanilang kagustuhan (1st na napili, 2nd na napili, atbp.) At inaalis ang pangangailangang magsagawa ng hiwalay na pandesisyong eleksyon. Maaaring magranggo ng hanggang 10 na kandidato ang mga botante ngunit hindi kinakailangang bigyan ng ranggo ang lahat. Maaaring iwanan ng blangko ang mga hanay kung hindi gusto ng mga botante na magranggo sa ibang mga kandidato.
Sa eleksyon na ito, makagagamit ang mga botante ng ranked-choice na pagboto para mapunan ang mga tanggapan ng Mayor, Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, Sheriff, at Tesorero. At isa pa, makagagamit ang mga botanteng nasa loob ng ika 1, 3, 5, 7, 9, at 11 na Superbisoryal na mga Distrito ng ranked-choice na pagboto sa pagpili ng kanilang mga superbisor.
Bisitahin ang Ranked-Choice na Pagboto na pahina para sa karagdagang impormasyon at subukan ang aming Tool sa Pagsasanay sa RCV ng balota.
Mabuti rin ito – maituturo ulit ang paksang ito ng mga ilang minuto lamang!
Pinahihintulutan ng ranked-choice na pagboto ang mga botante na magbigay ng ranggo sa mga kandidato ayon sa pagkasunud-sunod ng kanilang kagustuhan (1st na napili, 2nd na napili, atbp.) at inaalis ang pangangailangang magsagawa ng hiwalay na pandesisyong eleksyon. Maaaring magranggo ng hanggang 10 na kandidato ang mga botante ngunit hindi kinakailangang bigyan ng ranggo ang lahat. Maaaring iwanan ng blangko ang mga hanay kung hindi gusto ng mga botante na magranggo sa ibang mga kandidato.
Sa eleksyon na ito, makagagamit ang mga botante ng ranked-choice na pagboto para mapunan ang mga tanggapan ng Mayor, Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, Sheriff, at Tesorero. At isa pa, makagagamit ang mga botanteng nasa loob ng ika 1, 3, 5, 7, 9, at 11 na Superbisoryal na mga Distrito ng ranked-choice na pagboto sa pagpili ng kanilang mga superbisor.
Bisitahin ang Ranked-Choice na Pagboto na pahina para sa karagdagang impormasyon at subukan ang aming interaktibong Tool sa Pagsasanay sa RCV ng balota.