Humigit-kumulang 45-60 araw bago ang Araw ng Eleksyon, ipadadala ang mga pakete ng VBM sa
lahat ng rehistradong botante na militar o nasa ibang bansa sa pamamagitan ng email, fax, o
koreo, alinsunod sa kagustuhan sa paraan ng paghahatid ng bawat botante.
Humigit-kumulang 29 araw bago ang Araw ng Eleksyon, magsisimulang magpadala ang United States
Postal Service (USPS) ng mga paketeng VBM sa lahat ng lokal na rehistradong botante.
Alinsunod sa batas, hindi maaaring i-forward ang mga paketeng VBM, kaya’t kung ang paketeng
VBM ay bumalik bilang “undeliverable”, mamarkahan ng Departamento ng mga Eleksyon ang
rehistrasyon ng botante bilang “hindi aktibo” at susubukang bigyan ng notipikasyon ang
botante.
Regular na ina-update ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga file ng rehistrasyon ng mga
botante mula sa awtorisadong third-party sources, kasama rito ang database ng National
Change of Address at ang Department of Motor Vehicles. Kung ang isa sa mga pinagkunan na
iyon ang nag-pahiwatig na lumipat na ang botante, ia-update ng Departamento ng mga Eleksyon
ang rekord ng botante at susubukang bigyan ng abiso ang botante.
Upang i-check ang address sa inyong rekord ng rehistrasyon bilang botante, bisitahin ang
voterstatus.sos.ca.gov.
Para i-update ang address ng inyong bahay o address pang-koreo hanggang 15 araw bago ang Araw
ng Eleksyon, pumunta sa registertovote.ca.gov.
Upang alamin ang tungkol sa pagboto ng nasa militar o nasa ibang bansa, bisitahin ang
sfelections.gov/MILOS.